I am pleased to join this new program on television, a tele-magazine talk show entitled Sa Ngalan ng Batas, which is a cooperative venture between the People’s Television Network, Incorporated, (PTV-4), and the Philippine Bar Association (PBA), with Ms. Chichi Fajardo-Robles as main anchorperson.

PTV-4 is an active partner of government in the task of keeping our people informed and updated on the various projects and programs of government, through the medium of television.

Ang kabalikat po ng PTV-4 at ni Ms. Robles sa programang ito ay ang PBA, the oldest organization of law practicioners in the country, counting among its founding members one of our greatest heroes, the sublime paralytic, Apolinario Mabini.

This new talk show hopes to provide a forum for informative discussions on the issues of our time, paying particular attention to their legal dimensions, their congruence with constitutional principles. Kaya ganito po ang titulo nitong programang ito, Sa Ngalan ng Batas. Dito po ay tatalakayin ng mga piling panauhin ang mga usapin sa pang-araw-araw na buhay, sa loob ng balangkas ng batas, ng ating saligang batas.

Sa pagkakataong ito ay nais kong batiin ang lahat ng mga kaisa ng programang ito. Ipina-aabot ko rin ang aking pagbati at pag-asa na sana’y inyong magampanan ang tungkulin ng pagbibigay ng dagdag na kaalaman at kaunawaan tungkol sa pagkilos ng ating mga ahensiyang pampamahalaan sa pagpapatupad ng ating mga batas. Gayun din sa pagtitiyak na palagiang iiral sa ating lipunan ang kaayusan at kapayapaan.

Magandang gabi at maraming salamat sa inyong lahat.