It is my honor to greet you all in behalf of the Philippine team and to join the world’s leaders who are providing strong support for the 1995 Special Olympics.
Sa pagkakataong ito, mamarapatin kong magbigay sa inyo ng ilang salita sa aming sariling wika. Ang aking pagbati sa wikang Pilipino ay magpapayaman sa pangkalahatang mithiin ng mga pinuno ng mga bansa na bumabati at tumatangkilik din buhat sa iba’t ibang purok, lungsod, at mga sulok ng daigdig.
Ang Special Olympics ay isang pagkakataon upang magkasamang muli ang mga magagaling na manlalaro na kumakatawan sa kanilang mga bayan, lahi at kultura — upang magpamalas nang natatanging kakayahan sa diwa ng tungaling magka-kaibigan.
Many peoples continue to suffer from the ravages of poverty, war, terrorism, disease and other human travails. All these pull down mankind’s aspirations for peace, unity, progress and human development. The Special Olympics which opens on July 1st this year constitutes a united, positive and productive effort to confront sufferings and trials the world over.
Kaya nga, binabati ko ang lahat ng mga kalahok, kasama ang mga manlalarong Pilipino, at hinahangad ko sa kanila ang lakas, sigla at katatagang pangkatawan, moral at ispirituwal. Ang tagumpay na aanihin ng mga espesyal na manlalaro ng mundo ay tagumpay hindi lamang para sa kanilang bansa kundi para sa sandaigdigan.
I wish outstanding success to the 1995 Special Olympics on the eve of this great and historical event.
Mabuhay ang lahat ng mga koponan ng Special Olympics, kasama ang koponang Pilipino.
Simulan ang Espesyal na Palaro! On with the Special Olympics!