Ang Kapaskuhan ay panahon hindi lamang ng pagdiriwang sa maluwalhating pagsilang ni Hesus kundi gayundin ng pagbibigay-buhay sa mensaheng hatid ng dakilang araw na ito: kapayapaan at kagandahang loob sa sangkatauhan.
Join me in this season of grace to pray that the Good Lord will continue to give us His guidance and blessings so that we can finally build a nation where everyone can shape his destiny in an atmosphere of justice and liberty.
Ang pagdiriwang natin ng pagsilang ni Hesus ay dapat maging kasing-kahulugan din ng pagsibol ng ating pag-asa tungo sa kapatiran at pagkakaisa. Nalalapit na tayo sa hinahangad nating kapayapaan, nagbabalik-sigla na rin ang ating kabuhayan, at patuloy na lumalakas ang ating demokrasya. Dapat na lalo tayong magsumikap na marating ang ating patutunguhan — isang maunlad na bansang Pilipinas pagdating ng Siglo Dalawang Libo.
Christmas is not just a season of rejoicing over the birth of our Savior but also a time to spread the good news this wondrous day brings: peace and goodwill to all men.
Our celebration of the coming of Christ should also mean for all of us a renewed life of unity and brotherhood: oneness in the pursuit of our goal to create a brighter future where every Filipino leads his life with pride, dignity and sufficiency.
This Christmas marks a critical turning point for us in the Philippines. The prospects for enduring peace and economic take-off have never been better, but we must be unrelenting in our efforts until we can say we are truly a unified and progressive nation.
Sa Paskong ito, alalahanin natin ang kapakanan ng sambayanang Pilipino, kasama ang ating mga kababayang naghahanap-buhay sa ibang bansa. Tulad ng ating kaugaliang magtipon-tipon ang pamilya sa araw na ito, darating din ang panahon, sa pamamagitan ng ating patuloy na pagsisikap at pagtutulungan, na tayong lahat ay malayang makapag-sasama-sama tuwina — Pasko man o hindi — nang mapayapa, masagana at maligaya.
Sumainyo nawa ang isang Maligayang Pasko at harapin natin ang Bagong Taon ng may panibagong pag-asa at sigla!