Mayroon pa pong opisyal na hindi nabanggit ni Gov. Guiao na ni-retain ni President Ramos, iyon po ay si Governor Guiao, hindi bilang puno ng lalawigan sapagka’t kayo ang nagbalik sa kanya, nguni’t siya’y naging re-appointed director general ng Kabisig Movement.
Kaya mga kasama at mga kaibigan, malaki po ang ating paniniwala na ang mga proyekto dito sa Pampanga ay hindi lamang konektado sa Mt. Pinatubo nguni’t ang lahat ng proyekto ay magkakaroon ng mas mabilis at mas mabisang paggawa dahil sa ating masipag na puno ng lalawigan na si Bren Guiao na siya ring director general ng Kabisig.
Ako’y nagpapasalamat sa inyong lahat dahil sa inyong ipinakitang suporta sa people power coalition, iyan po ang inyong coalition, at nandidiyan na po mga kaibigan si Eddie Ramos bilang Pangulo ng ating Republika, maaasahan po ninyo na kung ano man ang interes ng pangkaraniwang Pilipino, iyan din ang interes ni Eddie Ramos.
Maraming salamat po.