Taos-puso kong binabati ang ating mga kababayan at kaibigan sa yugtong ito ng lumang taon, kasabay ng ating mga pagdiriwang upang salubungin ang Bagong Taon.

Sinasalubong natin ang Bagong Taon na taglay sa puso ang pasa-salamat sa maraming mga biyayang ating nakamit mula sa Panginoong Diyos, kasabay ng ating taimtim na dalangin na mabigyan pa ng dagdag na lakas at tibay ng loob upang harapin ang ano mang pagsubok, gayundin ng kababaang-loob para gampanan ang mga pananagutan natin.

We have so much to be thankful for. We have survived the crises of the past year and moved towards economic take-off. We have strengthened our social cohesion and political stability. Our democracy has grown buoyant and robust. We have solved the power shortage and we have succeeded in placing the Philippines back in business at the gateway of Asia and the Pacific. The peace process has advanced significantly on three fronts and criminality is being addressed forcefully.

Ang Bagong Taon ay kasing-kahulugan ng isang bagong umaga sa ating lahi. Anuman ang mga pagsubok at pagbabago na dala nito ay kaya nating harapin sa pamamagitan ng masidhing pagsisikap, pagkaka-isa at kapatiran.

Mga kababayan at kapatid, sumainyo nawa ang isang masaya at maunlad na bagong taon. Sa tulong ng Diyos at sa ating sariling pagsisikap, makakamit natin ang masaganang bukas tungo sa ating mithiing “Philippines 2000!!!”.

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!