Taos-puso akong bumabati sa Kapisanan ng mga Brodkasters sa Pilipinas (KBP) sa pagdiriwang ng kanilang ika-dalawampu’t limang anibersaryo at ng Broadcasters’ Month ngayong buwan ng Abril.

Nagpapasalamat ako sa malaking naitulong ng mga brodkasters at ng lahat ng mga taong bumubuo sa industriya ng radyo at telebisyon sa pagpapanatili ng isang malusog na demokrasya sa ating bansa.

Ang radyo at telebisyon ay may mahalagang ginagampanan sa patuloy na pag-unlad ng kaalaman, karunungan at kabuhayan ng mga Pilipino.

Mga kababayan, sa ating pagkilala sa kahalagahan ng broadcast media sa kanilang pagdiriwang ngayon buwan ng Abril ng ika-dalawampu’t limang anibersaryo ng KBP at ng Broadcasters’ Month, samahan ninyo ako sa pagbati at panalangin na nawa’y manatili silang matatag sa kanilang layunin at tungkulin upang lalo pang mapagbuti ang kapakanan nang ating bansa at mga mamamayan sa pamamagitan ng broadcast media.

Nais ko ring pasalamatan ang mga brodkasters sa kanilang masigasig na partisipasyon sa ating ginagawang paghahanda sa sentenyal ng ating kalayaan dahil ito ay isang natatanging pagdiriwang at pagkakataon upang lingunin ang ating mga tagumpay, paunlarin ang kasalukuyan nating buhay, at paghandaan ang ating mga adhikain para sa susunod na dan-taon.

Sa lahat ng mga brodkasters, mga manonood ng telebisyon at mga taga-pakinig ng radyo sa lahat ng dako ng ating malayang bansang Pilipinas, MARAMING SALAMAT, MABUHAY, AT MALIGAYANG SENTENYAL SA INYONG LAHAT!