Malugod kong binabati ang lahat ng aking mga kababayang Pilipino sa ibang bansa sa inyong taos-pusong pakikiisa sa pagdiriwang ng isang napakahalagang yugto sa kaysaysayan ng ating inang-bansa — ang sandaang anibersaryo ng ating kalayaan.

Ang inyong lubos na pagtaguyod sa pagdiriwang na ito ay lalong nagpapaningas sa tilamsik ng himagsikan ng nakaraan na siya ngayong nagsisilbing liwanag, gabay at lakas sa ating pagharap sa mga pagsubok ng ating panahon.

Ang inyong patuloy na paglingap sa kapakanan ng ating inang-bansang Pilipinas kahit na kayo ay nasa ibang lupain sa pagtupad ng inyong mga adhikain sa buhay, tulad ng mga manggagawang Pilipino (Overseas Filipino Workers, or OFWs) na nagpapamalas ng kagitingan at kagalingan ng lahing Pilipino sa iba’t-ibang panig ng mundo, ay patunay lamang na ang mga adhikaing pambansa na isinabuhay ng ating mga magigiting na rebolusyonaryo ay nananatiling nag-aalab sa inyong mga puso.

Today, our beloved Philippines has emerged into a new dawning of hopes and opportunities — a second century of freedom and of growth made possible by the vision and sacrifice of those who preceded us. To them we should offer our deepest thanks.

But even as we rejoice in our democracy, we — each one of us — must begin to take responsibility for this inheritance of freedom that the heroes of the revolution willed to us. Democratic government — no matter how well run, no matter how effective — can never substitute for individual initiative and personal responsibility, whoever and wherever we may be.

On this our Centennial, let us once more reflect on our past — especially on the last one hundred years — and from such commemoration, draw lessons for the future. Let us make our celebration a showcase of our collective achievements, our future aspirations, and our nobility both as individual achievers and as a competitive national team.

Mabuhay ang sentenyal ng kalayaan ng ating inang-bansang Pilipinas!

Maraming salamat at mabuhay kayong lahat!