Malugod ko pong tinatanggap ang hamon ng kasaysayan na binibigyang buhay ng lamparang ito, ang lampara ni Rizal, na tatanglaw sa ating daan tungo sa maka-bansang diwa, dangal at pagkakaisa.

Mula sa lamparang ito, sisindihan ko ang “Sulo ng Kalayaan” bilang patunay sa alab ng pagmamahal natin sa ating kalayaan, at upang pasinayaan na rin ang ating pagdiriwang — tatlong taon mula ngayon — sa ika-sandaang taong kasarinlan ng ating minamahal na bansang Pilipinas.

Mabuhay ang ating kasarinlan!!

Mabuhay ang mamamayang Filipino!!