Taos-puso akong bumabati sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) sa pagdiriwang ninyo ng ika-dalawampu’t apat na taong anibersaryo.
I congratulate the men and women of KBP nationwide for their contribution to the information and enlightenment of our people, in recognition of which I issued Proclamation No. 557 on April 3, 1995 declaring the month of April of every year as “The Broadcasters Month”. I felicitate KBP for spearheading this year’s observance of the Broadcasters Month.
Ako ay nagpapasalamat sa malaking tulong ng mga brodkaster at sa lahat ng mga taong bumubuo ng industriya ng radyo at telebisyon sa pagpapanatili ng isang malusog na demokrasya sa ating bansa.
Bukod dito, ang broadcast media ay may mahalagang responsabilidad sa pagbabago at patuloy na pag-angat ng kabuhayan nating lahat. Maisasakatuparan natin ang ating mithiin at layunin kung tayo ay magsasama-sama, magsisikap at magtutulungan.
Sa lahat ng mga brodkaster sa buong Pilipinas, mabuhay kayong lahat!