Maraming salamat, punong bayan ng San Felipe, Zambales, Mayor Bert Capili, at binabati ko namang muli ang inyong masipag at mabait na governor, Governor Amor Deloso, Mrs. Deloso; mga iba pang namumuno dito sa lalawigan ng Zambales, Congressman Antonio Diaz, binabati ko rin ang aking mga kasama sa gabinete. Nandidito po si Secretary Roberto “Komong” Sebastian ng Agriculture, iyan ang pag-asa ng bayan. Si Secretary Renato de Villa ng Tanggulang Bansa na siya ring chairman ng national disaster coordinating council; nandiito po si secretary Cora Alma de Leon ng DSWD, iyan ang tumutulong sa mga relief center, evacuation center. Si Press Secretary Rod Reyes nandidito po. Nandirito rin iyong undersecretary ng DENR, undersecretary Antonio S. Tria at marami pa riyang katulong natin sa Malacañang na sumama sa atin ngayong araw na ito upang kayo’y mabisitang muli at matingnan ang inyong situwasyon.

Ngayon po, tungkol sa kung anong biyaya ang aking maidudulot sa inyo, iyan po ay hindi manggagaling sa akin, manggagaling sa ating Panginoong Diyos. Manggagaling sa Kongreso at katulong na lang kami sa malacanang upang iyan ay talagang ating maisagawa para sa kapakanan ng lahat lalung lalo na rito sa Zambales.

Iyang mga sinasabi ng mga taga-Zambales noong araw eh, mukhang sila ay napapabayaan dahil sa ang mga bisita ay sa lalawigan na lamang ng Tarlac at Pampanga. Huwag po kayong maniwala diyan, dahil ako’y taga-Zambales. Hindi lamang siguro dito sa gitna ng Zambales pero kaming mga taga pangasinan ay para na rin kaming mga taga-Zambales. At maaasahan po ninyo na itong ginagawa natin ay hindi lamang para sa pangkaraniwan or temporary or ordinary. Amin ding inuusisa ng mabuti kung ano iyong dapat gawin dito para sa sinasabing long-term. Long-term upang mapanatili, mapabuti ang inyong pamumuhay upang ang ating mga kapatid na nandiyan sa mga barangay na nasira na at dapat ilipat ay maaasikaso rin.

Kaya mga kasama, at mga kababayan, ang ating pamahalaan, mula sa nasyonal kasama na diyan ang Kongreso dito sa provincial at dito sa municipal hanggang sa may mga barangay ay nag-susumikap upang mapabuti at maayos ang mga kalagayan ng ating mga napinsalang kababayan at para sa long- term at ating masiguro ang pag-unlad at pagdating ng isang progressive at stable community dito sa Zambales. Kaya sa ngalan po ng ating grupo, ako’y nagpapasalamat dahil sa inyong ipinakita ang inyong suporta sa inyong Pangulo sa kanyang mga programa. At sana ay maisagawa iyong ating hinahangad, iyong ating panukalang batas na ngayon ay tinatalakay sa Kongreso, iyong pag-appropriate ng p10 billion para sa livelihood at resettlement ng mga Mt. Pinatubo victims sa buong Central Luzon lalung-lalo na dito sa Zambales. At ako rin ay humihingi sa inyo ng inyong tulong at suporta upang iyong mga pamamaraan tungkol sa pamumuhay, tungkol sa kapayapaan, at tungkol sa pag-unlad ng buong bansa ay inyong tulungan upang lahat ay hindi lamang iyong mga hindi napinsala ngunit kayo na rin ang nandirito sa gitna ng disaster area ay tumulong sa ating mga programang iyan.

Salamat po sa inyong lahat.