Mrs. Rose Velasco at ang mga kanilang anak; mga magulang ni late mayor Octavio Velasco; mga iba pang kamag-anak at mga mahal sa buhay ni Tavs Velasco; mga lider ng Ternate at ng lalawigan ng Cavite; nandito po si former Senator Justiniano Montano Sr.; former president of the PUP, Nemesio Prudente; Speaker Joe de Venecia; mga lider ng Lakas-NUCD-UMDP; mga kalalawigan sa Cavite; magandang umaga po sa inyong lahat.
Sa araw na ito hindi natin makakalimutan si Octavio Velasco. Ang kanyang sakrispisyo ay isang malakas na signal sa ating lahat na tayong mga opisyales, mga naglilingkod sa bayan at sa ating lipunan ay dapat sumunod sa kanyang modelo at ehemplo bilang isang lingkod-bayan.
Today, as mentioned by Father Ignacio, starts a new day for the family of Mayor Octavio Velasco. But, indeed, his sacrifice will not have been in vain if we, as the survivors of that political contest which cost him his life will not carry on with the message of good government that Octavio Velasco brought to this province and to our entire country.
Out of the first ten seriously wounded and fatalities in the last election, seven came from the Lakas-NUCD-UMDP. Perhaps, because it was our primary platform of government to seek the empowerment of our people.
Ang ating ipinagtanggol at tinangkilik na plataporma ng pamunuan ay iyong kapangyarihan ng pangkaraniwang Pilipino. Kaya mga kasama at mga kapatid, ating dapat ipagtanggol iyong prinsipiyong iyan. At nakikita ko naman na sa kapaligiran ay may mga magandang pangyayari dahil nga sa ang mga pangkaraniwang Pilipino ay kanilang isinisigaw at ipinakikita ang kanilang kapangyarihan.
Here in the province of Cavite, people have talked of a second revolution. And that is a revolution that would come from development. I wish you have seen many signs of that in the Cavite countryside. But to me there is a greater revolution that must take place in this province which was the birth place of Philippine independence almost 100 years ago. And that is a deeper revolution that should resolve in the giving of a greater voice and a greater participation of the little people of Cavite in the decisions that affect their very lives. You have been deprived very much of that in the past. But in this government, we will see to it that justice is rendered even to the smallest farmer, to the smallest fisherman, to the smallest worker and to the poorest of the poor. Iyan ang ipinaglalaban ng ating pamahalaan ngayon. Kaya ito pong ating pamunuan ay naka-base sa pagbibigay ng kapangyarihan sa mga pangkaraniwang Pilipino.
Si Octavio Velasco ay isang opisyal na pambihira. Because he fought the political dynasty here over a very long period of time against overwhelming odds and was even deprived of his right to cast a vote for the candidate that he supported for nomination. But all of that has already passed. Kaya mga kapatid, tayo na nandirito sa pagdiriwang na ito ay nag-uumpisa ng bagong buhay, — bagong buhay para sa pamilya ni Octavio Velasco, bagong buhay para sa bayan ng Ternate, bagong buhay para sa lalawigan ng Cavite at ganoon din, bagong buhay sa buong Republika ng Pilipinas.
Kaya mga kasama, huwag nating pabayaan si Octavio Velasco at ang kanyang pamilya at mga iba pang mahal niya sa buhay. At ating ipagpatuloy ang laban upang magkaroon tayo ng tunay na mapayapa at makatarungang bansa, ang ating mahal na inang bayang Republika ng Pilipinas.
Maraming salamat po sa inyong lahat.